Home

Advertisement

Pink.

  • Jul. 8th, 2009 at 8:29 PM
So mabilis lang na blog. Kanina, nagkaroon kami ng surprise quiz sa Consti. Grabe! Ok lang naman nasagutan ko naman sya. Sa tingin ko nga matino mga sagot ko PERO nakakatawa yung nangyari sa akin kanina habang nagaganap yung quiz. GRABE LANG! Naubusan ng ink yung pen ko. SO mega panic ako, kasi syempre essay yun tapos quiz pa... I tried using my blue pen. To my dismay, aba, wala ring ink!!! So patay-patay na talaga ako... hindi ko maisulat yung sagot ko sa essay quiz. Wala na akong ibang pen at hindi rin naman pwedeng manghiram sa katabi. I was left with ONE PEN... yes... nag-iisang pen na may tinta at sumusulat. ANo yun? PINK STEADLER PEN.  I used it in answering the remaining questions. Hello?! Kamusta naman ang papel ko, pink na pink! Huhuhu...

07.

  • Jul. 1st, 2009 at 8:13 PM

Yey! I love love love love this month! Mas lalo pa tong naging ispesyal sapagkat buwan ito ng aking much- awaited-almost- forgotten- yet-still-special-once-in-a-lifetime GRADUATION CEREMONY! for my undergraduate degree!
Sa totoo lang, kumpara sa aking super perfect day kahapon hindi naging perfect ang araw ko ngayon. This is attributed to my ever-katigasan-ng-ulo-ayaw-makinig-mahilig-mag-adventure self. Kamusta naman ang papasok-ako-ng-maaga-hindi-upang-magbasa-kundi-para-magaaksaya-ng-gasolina. Waaaaahhhh... nagasgasan yung baby ko!!!!!!!!! Kamusta naman kasi ang napakalaking bato na yan sa UTurn slot! Huhuhuhhuhuhu... I was disheartened. Ouch to the nth level. Sabi ko, "baby!!!!!" Tapos naisip ko, patay ako sa nanay ko. Ayun, hindi pa nila nakikita... ehem ehem.. sa tingin ko this is really hatid-sundo na talaga.... hay hay hay..
Anyway, so ayun nga adventure at its finest once more! But then, as usual naligaw ako. Bakit?Bakit? Bakit? Bakit kailangan kong maligawwwwwww??? medyo hmm ehem... you know, mahina sa directions. Ah basta napadpad ako sa Binondo kanina. Kamusta naman ang mga Chinese Characters na hindi ko maintindihan. I'm glad that I was able to find my way out. Tapos nun napadpad naman ako sa Roxas. Ayung reminisce reminisce naman ako habang nagbabgal sa sasakyan. Eh hello?! ang luwag kaya ng daan kanina, tapos may bumusina ng mega lakas. Aba! Lagyan mo ng pakpak yang sasakyan mo at lumipad ka! hahaha... ang ganda ng sunset.. ahahaa.. emo chorbs noh? ang simoy ng hangin... ang baho! ahahaa.. anyway, basta dire-diretso lang kanina hanggang makakita ng gasolinahan. Actually, I was looking for a gasoline station kaya ako napalayo ng bongga. Tapos naalala kong may gasolinahan pala malapit sa Andrew Bldg. eh di syempre mega liko naman ako. Ayun, nagpagasolina. Ayun, grepa na ako. Dapat ididiretso ko pa ng mas malayong lugar eh, since I've finished my workload naman na for acads and I have time to spare. Eh kaso ayun nga huhu.. ang sama ng gasgas although di naman sya major. Grabe. deds talaga ako nito.Sana maabutan ko pa graduation ko. haha...
Right now, I'm just super tired. Super.. naubos energy ko kakabasa at kakaaral kaninang madaling araw kasi nga super hyper ko coz it's a perfect day.... I need sleep though I despise it, nowadays. Bakit ba kasi kailangang matulog? Haha.. Eh kung yung lowbatt na phone nga pwede namang i-charge ng hindi pinapatay. Bakit ang tao kailangang i-shut down pag nagrerecharge ng energy?

Later.

Tags:

First!

  • Jun. 8th, 2009 at 8:00 PM
chobs naman ang buhay kanina. tinamad ako ng bonggang bongga na umalis ng bahay. In the end, umalis din ako. Sumaglit sa gateway para bumuli ng chobs tapos diretso ng Beda para mag-asikaso ng chobs. tapos nag plurk para tumaas ang chobs. (ano ba, puro chobs to ah! :P ) eh ano naman ang first dun?

Kaninang mga 6:50 pm, nag-drive ako ng mag-isa!!! yeba!!! mag-isa as in wlang chaperone ng bonggang bongga! ahahaha... yun na yung first. ang saya! nagpaikot-ikot ako sa Project 2-3 kamuning tapos kalayaan. ahaha.. partida, coding ako ngayon... kaya nga 6:50 pm na ako umalis ng bahay eh. KAYA LANG! may napansin akong sumusunod sa akin! CHOBS naman... yung tatay ko at yung sasakyan namin! joketime lang pala may alalay pa ako. bwahaha. "pinayagan" ako kuno na mag-drive mag-isa noh?!

ah basta! fun fun fun fun!!!!!!!!!

ngayon, babalik na ako sa tamad mode ko. ahahaahaha....