Home

Advertisement

A Day in A Life...

  • May. 19th, 2008 at 11:41 PM

Note: The Following Post is Way too Boring. It Only Consists of Rants. Don't Read It If You Have Something To Do.

Naalala ko na ang username ko sa multiply! Haha... naalala ko na rin ang password ko!
It's like this kasi... gumawa ako dati ng multiply account to make a comment on something tapos nakalimutan ko na yun after. Actually, the term kinalimutan is more suitable because in the first place I only made that multiply account for a one time purpose. Tapos kanina, naglilinis ako ng inbox ng email ko. Yes, I do erase emails... tapos bigla kong nakita yung email sa akin ng multiply. Ayun, naalala ko na yung password ko. Hay... haha... so I decided na lagyan na rin siya ng laman. Kahit papano may laman na siya. Yun nga lang wala pa akong masyadong contacts. Haha.. late bloomer uli. Haha...I remember nung friendster days. Actually myspace days, I created one tapos I forget my username and password na rin. Then came the friendster days, yung mga taong papasok ng classroom at sisigaw na "may friendster na 'ko!!!" Sometimes, they even write it on the board. But as usual, ang tagal pa akong tinablan ng friendster craze. Actually, I created pala kaagad dahil pinilit ako ng friend ko. Tapos nun, ayun kinalimutan ko na naman. I only opened it uli nung summer of second year, incoming third year na kami.  Ayun.

Today, I woke up earlier than usual. I woke up at 9 am. Oo maaga na to sa akin. Bakasyon kasi. Then went to the derma. Huhu.. tapos facial. Huhu... I swear I'll never undergo this treatment again! I hate it! Ang sakit sakit! Waaahhh.... no to facial where they prick your face! No! no! no! Kung hindi lang talaga na infect yung face ko nung last akong nag-swimming di ko to pagagalaw. Kaso naman, meron akong pimple. Parang mountain range! Haha.. Ouch lang talaga. Gradpic pa naman. Tapos, sa Monday may pasok na! Hello!? Kaumsta naman ang life ko? Anong mukhang ihaharap ko? Haha... Naman. Anyway, enough ranting. I can't do anything about that. May pimple na ako. huhu... sana mawala ito by Monday. Kainis lang talaga. Ito pala yung feeling ng may pimple sa face. Yung more than one pimple lang. Yung pimples.... waaahhh... ang bigat ng feeling. Anyway, baka maging pimple talk ito. Haha..

So, ano pa ba ginawa ko? Wala naman. Humarap lang sa TV maghapon. Apat na channels lang naman ang pinapanood ko nowadays, Nickelodeon, Disney, Discovery, and Travel and Living. Pauli-ulit lang. Tapos computer. Hay... inaantok na ako, kaya matutulog na ako. 

I can't wait for Wednesday! Aalis na naman kami!!!! haha.. tpos sa Weekend uli. Tapos hello readings na naman! Huhu...

On second thought, di pa pala ako masydaong inaantok. Iniisip ko kasi yung mga nangyaayri sa paligid. Imagine, ang daming namamatay because of calamity. Sa Burma, China, even sa Philippines. Grabe yung bagyo at mga lindol. Hay... bakit kaya nagkakaroon ng malawakang pagkamatay? I mean I know that the calamities are the reasons pero what is the message? God wouldn't let all of these things to happen kung wala tayong matutunan. Is it to remind us once more that we are becoming bad again? Wala lang. Naisip ko lang talaga... parang reminder ba ito? Isang wake up call? Or simply a punishment? Pwede rin namang nagkataom lang na maraming namamatay ng sabay-sabay. Pero bakit maramihan? Hay.. I wouldn't know. Naisip ko lang talaga....

Anyway, naisip ko rin na kung dadaanin sa statistics (well not really statistics but it'll do) malaki ang lamang ni Hillary kay Obama. Syempre kung pagbabasihan lang ang sex (male or female) malaki talaga ang lamang ni Hillary. Kung lahat ng female ay boboto para sa kanya. Roughly 155 million ang female population ng USA while roughly 149 million naman ang male population. But then, of course this can't be a basis. This can't even be valid kasi nga super babaw... just because pareho kayo ng sexual orientation ng tao iboboto mo na agad sya. Anyway, tapos pag inisip ko naman in terms of skin color, the whites versus the blacks, lamang pa rin si Hillary Clinton because as of date there are roughly 37.1 million blacks in America as opposed to the more than a hundred whites. Hay... but then again, hindi nga 'to valid. Wala lang naisip ko lang super babaw... hay... 

ok, tulog na ko. Sorry sabaw na naman.

Tags:

May. 8th, 2008

  • 10:02 PM
 I received a text. Actually, a quote from wherever. Here it is...

It has never been the question of who forgets... but sometimes -- there's a definite pain on being the only one who remembers everything.

kaya siguro usung-uso ang amnesia sa mga teledrama, koreanovela, at kung anu-ano pa. Naalala ko tuloy yung koreanovelang Save the Last Dance for Me. 

Wala lang.

Buhay Frosh... dati!

  • May. 8th, 2008 at 2:52 AM
 Excited na ako! Excited na ako para sa LPEP 2k8! Super excited na rin ako para sa mga froshies, para sa mga bagong Lasalyano! Hay... Imagine, there will be more or less 3248 frosies and 83 blocks! WOW. Ang dami noh?! I wonder kung ilan kaya kaming froshies noon. Hmmm... anyway, I'm super duper excited na talaga for this LPEP, too bad I'll only be involved in welcoming CBE, COE, and CLA froshies...pero ayos na rin yun! ^__^ Haha.. tapos super excited na rin ako for the RTR haha... Guess what?! I shall be doing RTR sa AB-ISE block LR27! Grabe, parang kami lang din two years ago... hay... but this time, ID 108 na sila. Tanda ko na talaga. Reminisce nga nung frosh year ko... 


Natatandaan ko nung LPEP2k6 amaze na amaze ako sa dami ng C2 haha... imagine parang lifetime supply yung C2 na nakikita ko. Ang saya saya din ng LPEP kasi free food lagi. Kongting lakad, ikot-ikot, tapos kain na naman. Lakad uli, ikot-ikot, kain na naman. Haha... hindi ko nga matandaan yung mga pinagsasabi ng mga LAMB namin noon eh, kasi naman paos na sila. Second to the last college na yata kasi kami. Pero fun pa rin kasi nakakatuwa sila! Haha.. Tapos dati, amaze na amaze pa rin ako sa mga nag RTR sa amin. Haha... Yung SC at yung CSO people. Natutuwa kasi ako sa way of speaking/ presenting nila. Haha.. pero sa totoo lang hindi ko maintindihan yung mga pinagsasabi nila noon. Natuwa lang ako sa mga gestures nila. Ngayon kaya kapag nag RTR ako sa LR27 ID108, may maintindihan din kaya sila o ma-aamaze lang din sila just like me noon? Haha...

Syempre ang favorite part ko sa LPEP yung org tour! haha.. ang dami kasing freebies! Super puno yung paper bag ko! Super dami talaga, ang favorite giveaway ko nun yung YAHOO toy! Haha... kaso, hindi ko alam kung ssang org nanggaling yun. Kuha lang kasi ako ng kuha sa mga inaabot sa akin. Pinaka useful naman yung ruler na galing sa Math Circle (ayan natatandaan ko pa! haha...) pati na rin yung EAF holder na galing sa... ewan ko na. haha... basta yun! Gusto ko rin yung ID lace na pinamigay ng CLAers, ewan ko kung assembly ba sila nun or what, kaso nawala ko na yun eh. Na realize ko kasi kaagad na hindi naman isinusuot ang ID sa unibersidad na ito. haha... Basta yun. Tandang-tanda ko rin na nung first day ng LPEP sa Gokongwei kami. Ang lamig ng aircon! Haha... pero ang creepy ng hallway for me. Tapos nung lumipat naman kami sa Miguel, mas malamig yung aircon!!! Pero, di ko type yung design ng building. Haha... oh well wala na akong magagawa about that. Haha... Pumunta rin kami nun sa Andrew, kaso hindi pa tapos yun... Nung dinala kami dun ng mga LAMB namin, dumaan kami sa Agno. First impression ko nun sa Agno, "naku nakakatakot dito, kailangan lagi akong may kasama pag dadaan ako rito!". Yun pala, nung nagpasukan safe naman dahil puro Lasalyano rin ang nakatambay. Haha.. Pero hindi ko pansin yung iba pang buildings nun. Kasi nga di ba nakatuon lang ang pansin ko nun sa freebies at C2. Haha...tapos favorite part ko yung "best block ever" haha.. pati na rin yung "best side ever" haha... Hay... parang kailan lang pero two years ago na rin pala yun. Natatandaan ko rin yung party! haha.. favorite ko yun eh. Imagine nagulat ako, party agad! naman, pero hindi naman kasi party yun eh... parang nagpatugtog lang cla ng music at nagsayawan na ang mga froshies with their LAMBS sa ninth floor ng Sports com. Haha... basta naging dance floor ang 9th floor, basketball court.

I remember, May 24 and first day of classes. Tapos, nawala agad ako sa campus! Haha... yan kasi, wala akong sense of direction ng mga panahong yun. Tumingin ako sa La Salle map tapos pati sa LaSallian planner ko, kaso hindi ko maintindihan yung mapa. Haha..pero hindi ako nagtanong sa mga fellow students ko. Haha.. nasa isip ko kasi nun, "hindi ako magpapahalatang frosh ako, hindi ako magtatanong sa mga estudyante!" Kaya ayun, I end up tormenting (haha.. yes, tormenting!!!) the guards, janitors, at kung sinu-sino pang naka uniform na feeling ko prof or staff ng university. When I look back, parang natatawa na lang ako, kasi halata pala ako nun! Imagine, lagi ko kasing hawak ang EAF ko. Very froshie ang dating, di ba? 

First day of classes pa rin, super block kami. I mean, define block. Kumain kami ng blockmates ko. Actually, naghiwa-hiwalay pa nga kami ng lagay na yun...mga kalahati ng block yung kasama kong kumain (so that makes us roughly 20!) Haha... cguro super asar sa amin mga tao nun! haha...cause of traffic kasi. Tapos siksikan pa sa elevator. Alam mo yung tipong kailangan, buong block isang elevator. haha.. those were the days... kahit hindi ko masyadong close na close blockmates ko marami rin naman akong memories with them. Haha....tapos after lunch time, akala namin late na kami kaya ayun, TAKBO KAMI! Papuntang tenth floor. HAha.. crowded kasi ang elevators nun. hay... imagine pila-pila kaming umaakyat papuntang 10th floor andrew habang patakbo! Yun pala, walang prof pagdating namin. NAMAN! 

Second day of classes, mas masakit sa ulo 'to... nawala naman ako sa LRT. Haha... sorry na may pagka tanga lang talaga ako. Kasi dati may hawak akong listahan ng mga LRT stations kung saan ako dapat bababa, tapos hinatid kasi ako nung first day of classes, sinamahan ako \ng mag LRT para raw masanay. So, technically this is my first day of commuting. Ayun nga, nagkagulo-gulo ang buhay ko sa LRT. Pero, ako naman, sabi ko sa sarili ko, hindi ako nawawala, kaya ko 'to!, ayun cause of delay tuloy ako sa pila sa LRT ticket booth. Haha.. sorry sa mga naabala ko nun ha! Kinakausap ko kasi yung ticket vendor sa Doroteo Jose habang may pila sa likod ko. Ngayon ko nga lang naisip, bakit nga ba hindi ako kay manong guard nagtanong? Hay.. anyway, so ayun, sabi ko dun sa ticket vendor isang Vito Cruz. Pero, syempre bago ko sinabi to tinignan ko muna yung listahan ko ng LRT stations na dapat kong babaan. Sabi sa akin, sa kabila pa raw yun, tatawid pa raw ako. Naman! What?! Hay.. so ayun, baba naman ako ng station. Tatawid ako para makapunta sa kabila, tapos na-realize kong hindi pala ako marunong tumawid. Umasa pa naman akong may manong guard na magtatawid sa akin. Kaso, wala! wala! So, syempre pasimple na naman akong nakisabay sa mga tumatawid haha... Tapos ayun, bumili na ako ng ticket hanggang sa marating ko yung La Salle.

KASO... pagpasok ko sa South Gate, na-realize ko na namang hindi ko alam kung papano pumunta sa Andrew Bldg. (sorry wala talaga akong sense of direction dati) So, paikot-ikot talaga ako sa loob ng campus. Ang sakit sakit lang sa ulo, kasi nga di ba ayaw kong magtanong sa mga students, so I had to look for the way without asking anyone for help. WRONG MOVE. Inabot yata ako ng kalahating oras, kakaikot pero ang naabot ko lang ay yung amphi theater. (So, saan ako umikot?Ewan ko rin. Basta natatandaan ko, sa amphi ko namalayang super nahihilo ako.) Buti na lang may dumating akong blockmate, tapos nag-hi sa akin. Kaso, di ba nga nahihilo ako nun, kaya hindi ko matandaan kung sino yung blockmate ko na yun. Tapos nag hi din ako sa kanya. Syempre, pasimple na naman ako, sabi ko kung papasok na siya. Sabay na kami, ayun alam naman pala nya yung daan. Haha.. kaya kung sino ka mang blockmate ka, salamat sa'yo at hindi ako tuluyang nahimatay sa pagkalito, hilo, at init ng araw. Haha... Thank you na rin kasi hindi ako na late sa class dahil sa'yo. Sino ka kaya? Haha...

Hay.. tungkol naman sa pag-uwi sa bahay, hindi ko na masyadong problema yun noon kasi lagi akong may kasabay na malakas ang sense of direction. Si aly yun. Haha... tnx aly. 

Tapos, hanggang sa nasanay nang nasanay na lang ako... haha.. pero nung buong first term, nalaman ko yung DO haha.. nung nalaman ko yun sa kanila naman ako laging nagtatanong. Halimbawa, hindi ko alam kung saan yung ganitong building or yung ganitong room haha.. sa kanila ako magtatanong, sa kanila lang. haha... andun pa kasi nun si Mang Jack kaya yun, sa kanya ako nagtatanong pati na rin sa mga tao sa DO. Papano ko naman na-memorize agad yung DO? Simple lang. Sa tabi kasi sya ng Library. Kaya yun, eh suki ako ng lib nun eh. haha.. 

Ano pa ba? hmm... basta dati alam ko super tagal bago kami makarating ng South Gate from Andrew. Kung by block kaming pupunta ng South Gate, aabutin kami ng mga 30 mins hanggang 45 mins. sa paglalakad kasi sa dami namin, kapag nag stop over yung isa, Stop kami lahat. Kamusta naman, super cause of traffic?! Harang pala kami noon sa SJ walk! haha.. lahat naman yata ng frosh dumaan sa ganun. Natatandaan ko rin nun kapag mag-isa naman akong maglalakad sa SJ walk, aabutin naman ako ng 15 mins. kasi lahat ng nakapaskil binabasa ko, as in! Haha... samantalang ngayon dinadaan daanan ko na lang. Hay... minsan nakakamiss din ang froshie life kasi lahat bago, kaya naman mas exciting ang buhay! Dati rin, hindi nawawala sa bag ko ang set ng color pencils, kasi kapag bored ako, puro color at drawing lang ang ginagawa ko. Haha.. mix ng color dito, kulay doon, lahat na yata kinukulayan ko. Pati nga yung EAF ko nun kinulayan ko yata. haha...dami pa kasing oras nun para sa ibang bagay. Puro floating pa lang ang subjects kaya madadali pa. Konting aral lang DL na, eh ngayon, dami nang binabasa... haha...

Moving on, natatandaan ko rin yung PE uniform days ko! haha... super haba ng pila sa Razon Sports Com for the P.E uniform kaya nung first time naming pumunta umalis na lang kami. Kinabukasan, pumasok ako ng maaga para mauna sa pila ng pagbili ng P.E. uniform, buti na lang andun din si Aly. haha... kaya sabay na kaming bumili. Hay... P.E. nga naman... habang naghihintay ako nun sa pagbubukas ng 2nd flr bookstore, umupo muna ako dun sa gilid tapos nanood ako ng mga nagsswimming. pero na bored din ako, so I ended up with my color pencil  na naman! Haha... 

Naku, super dami ko pang frosh memories. Tulad na lang ng pag-iikot sa buong vicinity ng La Salle with blockmates, in search for the "masarap at sulit kainan na resto", idagdag mo pa dyan yung "sa-the-Venue-tayo-kumain-para-makita-si-certain-someone-at-matuwa-si-Roma" trippings ! Tapos may blockmate rin ako na super daldal at super friendly to all pero kapag dumaan yung crush natatameme at parang nawawalan ng boses!!! Haha...those were the days na walang masyadong iniisip... Kapag inisa isa ko super haba na. Kung mahaba, eh di boring na naman. Haha... 

Basta, masayang maging froshie, yun lang. Haha... kaya to all incoming froshies, magpaka-froshies lang kayo. So what kung cause kayo ng traffic? So what kung nawawala kayo lagi? SO WHAT?! Di ba? haha...masarap i-enjoy ang frosh life kasi pag nagmajors na kayo...haha.. lagot na.

Sabi nga sa homily nung nag-mass nung nag LPEP 2K6, "This may not be your first choice, second choice, nor third chioce. FOr all I know, this university may not even be in one of your choices, but you are here because someone loved you enough to send you to an institution as good as this school" Awww... basta something like that. 

hay... buhay frosh. Animo La Salle. ^__^



 

Halo-halo

  • May. 4th, 2008 at 6:13 PM
"it's not over 'til it's over"

A lot of people has a tendency to go overboard. Most simply cannot control themselves and identify when they should stop doing something. Thus, most end up hurting themselves and others as they go along the way of pursuing a thing they should have let go a long time ago. HOWEVER, this does not apply to all. So, if YOU are certain about what you want to do, then GO! Why should you be ashamed of the goal you want to pursue, if in the first place you are so sure of what you want to achieve? GO! JUST DO IT! JUST PURSUE YOUR DREAMS. Don't think about what others will say, because in the long run, if they see that you are earnest, then they will simply shut their mouths, and even support you. Don't let criticisms bring you down, instead take these criticisms as a challenge. Instead of seeing them as hindrances, try to make them as inspirations. Take them constructively. Use them for your advantage, by referring to them from time to time and improving yourself based on the criticisms you get. 

It's not everyday that opportunity knocks on YOUR door. It's not everyday that a second chance is given. So, just make the most out of this opportunity. PURSUE YOUR DREAMS AND JUST GO!!! The fight is not over 'til it's over. In your case, it really isn't over. So fight, fight, fight!

*******************************************************************************************************************************

I want to sleep all day. I want! I want! I want! Kaso, hindi talaga ako makatulog. Hay... I haven't even finished reading the novel I've been reading since the start of summer. Hay... summer is about to end...hay... pero hindi ko pa rin nagagawa yung mga gusto kong gawin. It seems that I don't have a lot of things at hand, BUT I REALLY DO! Alis dito, alis doon. Lakad dito, lakad doon. Punta rito, punta roon. I thought I'd have some time alone for myself, hindi pala. Hay... I don't know if I should be thankful for all these activities because they are all unplanned.  Hay.. hay.. hay... well at least, I could say that my summer is not idle, though they are not productive (as in productive) either haha... basta. basta... I'll try to be more productive. But then, I would really really appreciate a whole week devoted to myself... hay... naiimagine ko na, isang buong linggo ng panonood ng tv, pagbabasa ng favorite books, at pag-iinternet ng walang sawa, tapos matutulog ako hanggang gusto ko! HAY. HAY. HAY. Buhay bum ang pinapangarap ko! Hahahaa... well.. yan kasi ang pinipilit kong magawa ngayon, kasi naman it's either I have to wake up early due to some appointments (dentist, doctor, whatever...) or chaperone ng nanay... tapos may makulit na kapatid na magpapasama, tapos may darating na pinsan na mas makulit. Haha... tapos outing ng pamilya, tapos may somethng sa school... naku!!! labo. haha... halo-halo na ang entry ko! Labo na! Oh well, thankful na rin po because I have the convenience of time to spend. Haha.. sabi nga, mas ok na ang maraming ginagawa kesa sa walang ginagawa.

Profile

[info]postulatedruler
theorems&postulates

Latest Month

December 2009
S M T W T F S
  12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Syndicate

RSS Atom
Powered by LiveJournal.com
Designed by [info]chasethestars