Ganito kasi yun. Ngayon ko lang napagtanto kung papanong klase ng spoon feeding and pampering ang ginawa sa akin sa aking dating Pamantasan. Magmula sa online enrollment hanggang sa Student council, isama pa ang iba't ibang orgs at hanggang sa emergency moments. Well, wala naman talagang masama sa magandang pagtrato sa amin ng mga Lasallian brother. Laking pasalamat ko nga, sulit naman pala ang mahal na miscellanous fees ng Pamantasan.
Pero, wala lang...it's only now that I've come to appreciate those things. Ngayon na graduate na ako and currently enrolled in another academic institution in pursuance of another degree.
So, ganito kasi yun. 'Twas my first time to actually enroll in Beda (incomparable naman kasi yung first enrollment as freshman nung first sem). So anyway, 'yun nga enrollment ko sa Beda. There was an online registration. So okay yun. Mabilis. Then, the manual enrollment... TADAN!!! ANG BAGAL!!! INABOT AKO NG DALAWANG ORAS!!! HANEP!!! Isipin mo yun. I know that it's not good to compare pero as one of my current blockmate puts it, "the longest time it took me in enrolling in La Salle was 15 minutes."
So syempre, sanay ako sa mabilis at high tech na sistema in my former school. So, after I finished enrolling medyo di na so happy happy ang timpla ko. Diretso ako ngayon sa bahay. To my surprise, another blockmate. This time, someone from UP (oo yung peyups, yung maraming isaw ba :D) posted his appreciation to Beda. Super saya nya because it only took him two hours to enroll. Sa isip-isip ko, hello ano ba?! ang tagal kaya!!!
THEN IT HIT ME...
Super masyado akong na-baby sa La Salle. Lining up for two hours for enrollement got on my nerves, while my blockmate was soooo happy and amazed that he only lined up for two hours. Such difference! Grabe. When I saw how thankful he was, as compared to how devastated I was... nahiya naman daw ako sa sarili ko. *bulang nag-pop bigla*
So there. I am really thankful for the kind of efficiency that my former school provided me with while I was there. However, it's time to live in the real world and try to go with the flow. I should be more patient and appreciative from now on.
Di naman kaila sa buong mundo (thank you BBC and CNN) na binaha ang NCR ng Pilipinas. Sa kaswerte-swertihan ko eh ito nagakaroon ako ng ultimate experience sa baha.
HANGGANG DIBDIB lang naman yung baha sa labas ng bahay namin. So, it really was a water world out there. Thankful lang talaga ako that all the members of my family are safe.
So, ganito yun....
It was a Saturday, around 9:30 am. Papasok na dapat ako ng school, sabi ko pahatid na pero I went to my room to get a jacket pa muna. Thanks to facebook, plurk and twitter medyo na distract lang naman ako ng bonggang bongga, so sagot sagot muna ako ng quizzes. Pareply-reply muna sa posts. Pag baba ko, sabi ko pahatid na... dandandandan!!! baha na sa labas!!!! Ay grabe!!! Yung mga sasakyan (especially my honey baby) eh pinapasok na ng tubig. What we did is to drive the vehicles three streets away from us. Yung mataas-taas na lugar. Tapos, ayun life goes on for me.
So, tralallalala... online ako uli... tralalala....
Nagkataon, I was talking to my friend via ym...make that ranting to my friend via ym kung gaano kabaha sa amin. I asked him kung baha sa kanila, sabi nya hindi naman daw ganon kabaha sa Makati. So, ayun... yada yada... While ranting to him about our situation napatingin ako sa labas ng window ko.. ABA! hanggang bewang na sa labas. Medyo panic mode na ako.. TADAN!!! Nawalan bigla ng ilaw. Walang net connection. Wala lahat!
So, baba na ako. To my surprise, tuluyan na palang pinasok ng baha yung house namin! Wow may pool sa bahay! Mali, WOW buong bahay namin swimming pool na! At dahil masama akong bata, ako lang ang hindi nabasa sa household namin. Lahat sila basa! Yung kapatid ko nga nadulas pa. Sabi ko naman, "So, ilang isda ang nahuli mo?" Anyway.....
Naayos naman lahat ng gamit. Naitaas naman lahat so no problem na.
Akyat na kami sa second floor. At dahil walang kuryente ayun... pinanood na lang namin ang pagka waterworld sa labas ng house. Ito ang water levelling sa amin: Tapat ng house, hanggang dibdib; sa garahe namin, lagpas tuhod; sa loob ng bahay, kalahati ng binti (?). So, may levelling talaga.
At around 11 am, medyo nalulurkei lurkei na ako kasi nga I wasn't able to come to school. Bonggang bonggang text message na ang pinakawalan ko sa mga blockmates ko telling them na may waterworld dito at hindi ako makakapasok yada.. yada..Salamat sa GM na yun, eh naubos lang naman bigla ang load ko. hmmp!
Syempre, at that time we didn't have electricity na so we don't know what was happening... Actually, akala talaga namin, as in buong pamilya namin, eh simpleng ulan lang to. Akala rin namin binabaha lang kami kasi hinuhukay yung daanan dito malapit sa amin. Hence, we had no idea na super duper lala na pala ng mga kaganapan. In addition, lahat ng phones namin nawalan ng signal. Yung landline namin, hindi na rin magamit. We were trapped insode our house, without any means of communication in the outside world. Hence, we were in total isolation from the rest of the world.
Sa totoo lang ang iniisip ko pa rin nun eh kung makakapunta ba ako sa Bar Ops Salubong kinabukasan. I mean, hello?! It's my first time to experience the barops salubong. Hay... yun lang talaga yung iniisip ko. Tapos, syempre iniisip ko rin if I'll be able to make it to my Crim Law Class at 4:30 pm. Papano ung recitation ko sa crim... Hay... yun lang. Dagdag pa dyan, medyo naasar din ako sa MWSS dahil sa hinuhukay nila rito na (inakala kong dahilan ng pagbabaha sa amin.) Yung mga bagay lang na yun yung iniisip ko. Sadly, that's how superficial and self-centered my thoughts were....
So anyway, we spent the night without electricity. Camp in kami sa room ng parents namin. Family bonding at its best kasi we told stories played playing cards. Basta ganun. Mga tipong ganun lang.
Fast forward...
I woke up late na. Pagkagising ko, may power supply na. Wala ng baha, tuyo na yung daan. Mataas na ang sikat ng araw. In short, it's another great day... pero...
Pag open namin ng TV, NAKAKAGULAT! As in super dumbfounded and shocked ako sa nakita ko sa news. It wasn't a simple rain. Nagkaroon pala ng kalamidad. And I should be thankful dahil isang simpleng baha lang ang inabot namin.
Lessons learned:
Wag masyadong self centered. Kung sa tingin mo nahihirapan ka, tumingin ka sa paligid mo. May ibang taong mas nahihirapan kaysa sa'yo.
Be thankful. Always always be thankful.
Sabi nga ni Dory form Finding Nemo, "Just keep swimming... swimming... "
Sabi ko naman, If you can't swim then walk. If you can't walk then crawl. Basta, the point is keep on moving. So, yun lang sa lahat ng mga nasalanta. I know that it's easier said than done, pero despite everything... sa mga nakaligtas, keep on moving...pasasaan ba at maibabalik din sa ayos ang lahat.
P.S.
Sa lahat ng nais tumulong sa mga nasalanta, http://thebarrister.multiply.com/journal


