Mas nakakanerbyos pala kapag ate ka ng isang taong kukuha ng mga entrance exams. I am currently obsessed with my brother's college entrance exams. ay grabe, hindi ako mapakali. the night before he took the acet, ako yung hindi makatulog eh. tapos malapit na rin ang dlsu entrance exams. ay grabe!!!! mas kabado pa ako sa exams kesa sa kapatid ko.
ay grabe lang talaga! super grabe lang... he didn't take the UPCAT. ewan ko ba dun, ayaw daw nyang mag UP... he took the ACET pero ayaw rin nya sa Ateneo, malapit daw kasi. Ayaw nya ng bantay sarado sa magulang. Haaha.. parang ako lang eh.. gusto raw nya malayo yung college nya from our house.
Ergo, gusto nya sa DLSU. Pero sapagkat bagamat.. ewan ko sa kanya! First choice ba naman ang human-bio. Hello?! Super duper quota course kaya yun! Sabi nya he wants to become a doctor, sabi ko dapat science course kunin nyang pre-med. Pero naman, hindi naman human-bio. I actually told him to put BS Psych or AB Psych as his second choice. Eh ang kulit... ayun BS Bio daw sya for his second choice. Ay grabeng bata!!! Goodluck na lang talaga.
Tapos kanina, nag-online application kami sa UST. Ay makulit talagang bata, sabog sabog ang course choices. Gusto naman daw nyang Civil Engineering sa UST. Bahala sya... pero ako lang naman talaga yung matindi yung nerbyos. Ay grabe lang. Ako pa mag-aasikaso ng application form nya sa UA&P. Pero grabe kinakabahan lang talaga ako sa mga entrance exams nya... hay grabe lang talaga!!!!!!!
Sabi ko nga, mag-take rin sya sa FEU, St. Beniled at sa Beda ng entrance exam para if ever... alam nyo na... kung hindi palarin. Pero wag naman sana... sana naman maipasa nya lahat ng entrance exams. So anyway, ayun ayaw ba namang mag-take ng entrance exam sa Beda. Ayaw daw nya akong maging school mate. Ayaw daw nya kasing may ate sa school. Naku. Naku. Naku. Makulit na bata talaga oh!
Grabe, pero ako talaga yung kabado eh... hay hay hay...
- Mood:
nervous - Music:say it again- marie digby

Happy Father's Day to all the dads in the entire world! I also extend my greetings to all those who act as "dads" in the entire world!
Naku naman, nasuppressed ang kadaldalan ko for the past two days. Naku lang! That's why bahala na kung ano ang mailagay ko sa entry na ito!
Ready. Set. Fire!
Grabe. grabe lang talaga. More than 24 hours kaming walang kuryente. Imagine that! As in hello?! the power was restored sa other streets bandang 4 pm yesterday pero tila kinalimutan yata ng Meralco ang street namin! Di ba lang nakakapangggigil! Hay.. at kamusta naman ang Jollibee sa may kanto, ni hindi man lang naapektuhan! Hahaha bentang-benta nga kasi, yung kapatid ko hindi nagpaawat. Nagpunta sa Jollibee ng mag-isa.
Tapos. No electiricty day became a bonding day for the family! Yey! Super blessing in disguise ito! Ahaha... grabe. instead na ako magpakalunod sa readings at ang kapatid ko magpakaunod sa kanyang PSP. Aba, nakibond kami sa aming mga magulang! haha... define masaya ang parents! Haha... kasi naman, nung mag brown out wala kaming nagawa kung hindi ang lumabas sa kanya-kanyang kwarto at mag stay sa sala. So, in the end kung anu ano na lang yung pinaggagawa ng family namin. Tapos napagtripan pa naming manggambala ng delivery people! ahaha... umuulan, humahangin, tawag kami para magpa-deliver kaso na cancel yung order! ahaahha... basta ang saya! pero ang gulo! Ahaha...wala nga kaming matinong pinag-usapan ng family ko eh. Parang puro joketime. Tapos inaaasar ako ng kapatid ko kasi raw hindi ko na nasusunod yung supposed diet ko. Mukha na naman daw letter U yung mukha ko! waaaahhh... totoo naman kasi! ahahaha...
In relation to that, walang patawad ang nanay ko sa pagluluto, parang pinaluto niya lahat ng nasa ref kasi baka raw masira dahil walang kuryente. In the end, ayun ang daming sumobra! Oh well, pwede namang i-replay ang ulam! ahahaa... grabe. ang sabaw sabaw ko tuloy ngayon. Tapos, kaninang madaling araw, nasasabaw ako kasi hindi ko alam kung may pasok. Lowbatt naman ang cell ko, kaya as in totally walang communication to people. Naisip ko nga, di ko pala kakayanin ang ganon?! Nasasabaw ako sa kakaisip kung ano na nag nagaganap sa outside world.
Oh well, may kuryente na uli.Take note, kaka-restore lang ng electricity dito sa aming street. Di ko nga matagalan ang pasensya ng mga tao rito eh. I mean, ako kahapon pa ako hindi mapakali dahil tanging ang street na lang namin yung wala pang ilaw. Aba naman ang iba, parang chill lang sila. Adnd when I say iba, I mean kasama rin ang parents ko.
ilang beses kong inulit-ulit sa mom ko. Sabi ko, "Ma, tawag ako sa MERALCO, tayo na lang yung wala pang ilaw."
Sabi nya, " Maghintay ka, magkakailaw din."
Naku po!!! Grabe lang. Hay naku, Meralco ang laki-laki nyo maningil.... haha... grabe, lahat tuloy napapansin ko, kasi naman!!!
Tapos kagabi habang nakikinig sa AM radio gamit ang emergency batteries, naku nakakaasar yung isang announcer. Super rude nya! Ganito kasi yun. may mga taong tumatawag dun sa AM radio station to air their sides, basta yung mga nanghihingi ng tulong, nagpapaabot ng panawagan na wala pa silang kuryente, and stuff... Tapos may isang caller na nagsabing, "wala pa po kaming kuryente rito sa amin, panawagan naman po sa Meralco." Aba naman, ang sagot nung announcer, " so paki ko?" NAKU LANG! nakaka-high blood. Imagine. On air yung radio program tapos sumagot ng ganon yung announcer. I mean, ok fine baka pagod na rin yung host nung radio program but that doesn't give him the right to be rude to the callers. Grabe lang! Ayun, pinatay ko tuloy yung radyo.
Tapos, kaninang 5:30 am panic mode na ako. Akala ko kasi may pasok. Take note, patay phone ko at we still have no electricity. So, hinanap ko yung DLSU planner ko last year, kasi andun yung contact number ng school. Tapos tawag ako, buti na lang yung greeting ay " Welcome to De La Salle University-Manila. Please be inforned that there are no classes today."
Ayun. Natulog na uli ako.
But wait!
Hindi na ako makatulog. That's why... mabaliw-baliw ako sa gagawin ko kaninang umaga. Nakakatamad namang magsimula ng school work lalo na't nasa net yung gagawin mo.
Hay.. kaya naman, super joyful joyful joy ang world ko nang magkakuryente!
Super habang kababawan entry na naman. Ahahhaha...
- Mood:
cheerful


